PANITIKAN (DULA)

MAY UMAGA PANG DARATING
Ni Estela Merced Santos
MGA TAUHAN:
Minyong – ama – 35 taong gulang
Tinay – ina – 35 taong gulang
Emily – anak
Padre Alex – kura paroko
Juan – sacristan
LUGAR:
Bangketa (Makikita si Minyong na may 35 taong gulang ay palakad-lakad. Hindi niya mawari ang mga pangyayari. Kinakausap ang sarili.)
UNANG TAGPO
Minyong: Ako ba ang may pagkukulang? Ang mga tao sa aking paligid ang walang pag – unawa? Ang kapalaran ba ay sadyang malupit? ( Magbubuntong – hininga) O, Diyos ko! Tulungan po ninyi ako.
(Naupo sa isang tabi at binuksan ang balutang dala-dala na wala naming laman, anyo siyang gutom at hapo, tiningnan ang bulsa na ilang sentimo nalang ang natitira)… Gumagabi na naman. Saan ako magpapalipas ng gabi? (Nagpatuloy ngn paglalakad na di alam ang patutunguhan. Nagpabalik – balik sa paglalakad sa kahabaan ng bangketa na tila tuliro, paikut – ikot na tutop ang ulo ng dalawang kamay, sabay bulagta (lalabas).

IKALAWANG TAGPO
Sa simbahan (Pasok si Tinay na may 33 taong gulang akay ang isang bata, si Emily
na 4 na taong gulang).
Emily: Nanay, bakit araw – araw lagi na lang tayong nagpupunta rito, ha?
Tinay: Para magsimba, anak. Di ba lagi kong itinuturo sa iyo na palagi kang magdarasal?
Emily: Opo. Lagi nga po akong nagdaral kay Nino Hesus. Di umuwi na lang po tayo at sa atin na lang tayo magsimba. (Nag – isip habang pinanonood ng ina ang nagsisindi ng kandila)… E, bakit naman po lagi na lang kayong may dalang kandila, para saan po ba iyan?
Tinay: (Nangangapa ng isasagot). Eh, alam mo anak, ganito iyon. Tumingin ka sa paligid nitong simbahan. Di ba medyo madillim?
Emily: (Iginala ang paningin). Opo. Kasi naman po ay sarado ang mga bintana.
Tinay: Kaya nga itong kandilang may sindi ay siyang tatanglaw sa ating paglalakad para di tayo madapa.
Emily: (Tatangu – tango). Ah, ganoon po ba! Eh, bakit kung maglakad kayo eh, paluhod? Di po ba mahirap at masakit iyon?
Tinay: sa una lang iyon, anak. Pero ang totoo, pinatatatag nito ang paglalakad ko. Tuhod at paa ang gamit ko, dib a? Eh, di, hindi ako mabubuwal. Hallika, subukan mo, Emily.
Emily: (Medyo atubili) Sige nga, Nanay sususbukan ko. (Sabay lumuhod ang mag – ina. Ilang minutong nananatiling di tumitinag. Halos maiyak na si Tinay. Dahan – dahan silang lumakad ng paluhod. Hawak ni Tina yang kandila sa isang kamay at ang anak sa kabilang kamay. Dala ng kawalang – malay, nilalaro ni Emily anng laruang napulot. Di niya napansin ang unti – unting pagkawala ng ulirat ng ina. Nabigla na lang siya nang ito ay bumulagta.) Nanay! Nanay! Naku po! Anong nangyayari sa inyo. “Nay, hu-hu-hu-hu-hu. Nanay ( panay yugyog sa ina) “ Nay dumilat kayo! ( Nang sa lalabas si Juan, ang sacristan)
Juan: Ne, bakit? Anong nangyayari sa Nanay mo?
Emily: Ewan kop o, bigla na lamang po siyang nabuwal. Para ninyong awa, tulungan po ninyo ang Nanay ko. (babalingan ang ina) Nanay, gising na kayo. Madilim nap o, umuwi na tayo.
Juan: Teka, sandal lang at tatawagin ko si Padre Alex. (Pumasok. Pagbalik may dalang tubig at amonya, kasunod ang pari, si Padre Alex.)
Emily: (Patuloy sa pag-iyak at pagyugyog sa Ina) Nanay naman gising na kayo wala na akong makakasama.
Padre Alex Iha, ditto ka muna sa tabi ko. (Pinaamoy ng amonya si Tinay hanggang magkamalay. Pinainom ng tubig.)
Tinay: Saan ako naroroon? Anong nangyari? Ang anak ko, nasaan siya? Emily! Anak, Emily!
Padre Alex: Huminahon kayo, Ginang. Narito sa tabi ko ang anak ninyo. (Lumapit si Emily at niyakap ang ina.)
Tinay: Emily, anak ko. Ikaw na lang ang tangi kong kaligayahan, at kung may mangyayari sa iyo ay di ko na alam ang gagawin ko. (Tumingin kay Padre Alex) Padre, tulungan ninyo po kami.
Padre Alex: Oo anak. Ano ba ang maitutulong ko?
Tinay: Padre, ako po’y nasa kawalan. Marami akong katanungang di ko maihanap ng tugon, mga suliranin na walang kalutasan, Pagod na ako, hindi ko alam kung saan hahantong ito.
Padre Alex: tanging Siya lang ang makapagbibigay sa atin ng katugunan at kalutasan sa lahat ng ating mga bagabag. Lumapit ka sa kanya, anak.
Tinay: Padre, walang oras na di ako tumatawag sa kanya pero… wala, Madalas na nga po akong pinanghihinaan ng loob, at tuloy nawawalan ng pag-asa.
Padre Alex: Huwag anak, Walang panalanging hindi niya tinugon. Magtiwala ka sa kanya nang buong loob at hintayin ang kanyang takdang panahon.
Tinay: Di ko na kaya. Ayoko na… ayoko na.
Padre Alex: ang lahat ng iyan ay pawing pagsubok lang sa iyong katatagan. Huwag kang bibitiw sa kanya, anak. (Kay Juan) Este, Juan, madilim na isara mo ang pinto.
Juan: Opo Padre.
Tinay: Nalilito ako, Padre, Nasaan siya? Sa kabila ng aking pagsusumamo, patuloy siyang nananahimik.
Padre: Ano ba talaga ang bumabagabag sa iyo? Saan kayo pupunta ng anak mo?
Tinay: Hindi ko alam, kung saan kami ngayon magpapalipas ng gabi.
Emily: Nay, uwi na tayo.
Tinay: Emily, anak di pa natin natatagpuan ang tatay mo.
Emily: Uuwi rin yon, Sa atin na lang natin siya hintayin. Di ba sabi niya maghahanap siya ng maraming pera?
Padre Alex: Nasaan ba ang tatay mo. Iha?
Tinay: Ang totoo po nito, Padre nagpaalam sa amin ang aking asawa na makikipagsapalaran dito sa lungsod upang mabigyan kami ng masaganang buhay. Ipinabili ang ilang ari-arian naming. Minsan lang siyang sumulat at buhat noon ay wala na kaming nabalitaan. May isang buwan na po halos at nagbabakasakali po akong matagpuan siya, hihikayatin ko siya na sa probinsya nalang kami manirahan at doon magsama-sama sa hirap at ginhawa.
Emily: Nanay umuwi na tayo sa atin, Ayoko rito sa Maynila.
Tinay: Oo anak, paglipas ng dilim, bukas.
Emily: Saan po tayo matutulog?
Padre Alex: Nene, dito na kayo titira ng nanay mo. Ayaw mo ba rito, malaki bahay ninyo?
Emily: Salamat po, Padre, pero ayoko. Di po Masaya rito at isa pa magulo at maingay rito. Sa aming probinsya ay tahimik at lahat ay magkakaibigan at nagtutulungan.
Padre Alex: O sige, dito na muna kayo magpalipas ng gabi. Madilim sa labas at mahirap maglakbay. Juan, o, ano ba, tapos ka nab a? parine na at nang makakain at makapagpahinga na itong mag-ina. (May maririnig na pagtatalo sa may pintuan)
Juan: Opo, Padre, sandal lang po.
Minyong: Pakiusap lang, payagan mo na ako sa loob ng simbahan magpalipas ng gabi.
Juan: Hindi po, pwede mamang ano
Minyong: Wala akong matutuluyan, Ayoko na sa labas, madilim. Pagod na pagod na ako.
Juan: Nauunawaan ko po kayo, ngunit pinangangalagaan po naming ang tahanan ng Diyos.
Minyong: Kung ganon, bigyan mo ako ng kahit kaunting saglit na makiniig ang Diyos. Di ko na yata kaya. Siya lang ang makakatulong nang lubusan sa akin. (Lalapit si Padre Alex kasunod ang mag-ina)
Padre Alex: O, bakit ba di ka na nakabalik, Juan?
Juan: Kasi po Padre may tao rito na pilit na nakikiusap na makituloy. Wala po raw siyang uuwian. (Nalugmok na si Minyong sa tindi ng pagod at gutom) Ay! Padre, dali Tulungan ninyo ako. (Nagtulong si Juan at Padre Alex na maihiga nang maayos si Minyong, sa lalapit ang mag-ina)
Tinay: (Nagitla)M-M-Minyong! Si Minyong nga! Emily, ang tatay mo!
Emily: Oo nga! Tatay! Tatay! Saan ka nanggaling? Lagi ka naming hinahanap ng Nanay.
Tinay: (lumuhod at iniangat ang ulo, pinatong sa dibdib) Minyong ano ang nangyari sa iyo?
Minyong: Tinay, Emily, anak ko. Salamat at nagkita pa tayo, akala ko’y din a tayo muling magkakasama. Kay pait na karanasan! (Niyakap ang mag-ina)
Tinay: (Kay Padre Alex) Padre, totoo nga po na magtiwala lang tayo at maghintay ng kanyang itinakdang panahaon. (Tumingin sa itaas) Salamat, Diyos ko! Salamat sa Inyo. Pangioon. Tunay na walang hanggang ang Inyong awa.
Padre Alex: O siya tayo na sa loob. Bukas pagliwanag ay lumakad na kayo.
(Magkakaabay ang mag-anak na lumakad)

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: