Makapaghihintay ang Amerika ni Dionisio S. Salazar

Mga tauhan:
Ligaya Abad Cortez, ang dalubguro
Dr. Fidel Cortez, ang kanyang bana
Nora marta, ina ni Fidel, nagging patnugot ng isang kawanihan at sa kasalukuyan ay pensyunada na
Rosa at Boy, mga anak nina Fidel at Ligaya
Ilang Ekstra
Panahon: Kasalukuyan]
Tagpuan: Sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila
Unang Tagpo:
Pagbukas ng tabing ay makikita ang salas ng inuupahang aksesorya ng mga Cortez sa Sta. Cruz, Maynila. Maluwang ang salas na kakikitaan ng mga mamamahali’t makabagong muwebles, telebisyon, hi-fi, at iba pa. kaagad na mahihinuhang may mabuting panlasa ang mga nakatira rito. Si Ligaya, na nakadamit pambahay, ay nakasandal sa sopa at bumabasa ng isang pocketbook. Propesor siya sa isang malaking pamantasan sa Maynila. May 35 taon na siya, kaakit – akit, at mukhang matalino.

LIGAYA: (Iaangat ang ulo sa binabasa at titingnan ang kanyang orasan) Aba, mag – iikaanim at kalahati na’y wala pa sina Mama. Tila sila nawili sa panonood. Si Fidel man ay wala pa rin. (Itutuloy ang pagbasa .) ( Sa darating sina Rosa, Boy, at kanyang biyenan, si Nora Marta. Si Rosa ay siyam na taon, si Boy naman ay magpipitong taon. Hahalik sa kanya ang dalawang anak. Siya nama’y magmamano sa may 56 taong matanda.)
BOY: (Masigla) Mommy, ang ganda – ganda ng napanood naming. Ganito “tsak, tsak, pak, bog!” (Ilalarawan ang labanang napanood.)
ROSA: Biro mo, Ma, ibig pa ni Boy na ulitin. Ang bait – bait po niyan sa sine, talaga.
BOY: Pa’no ibig kong matuto ng karate.
ROSA: Kundi pa kami nag – aya ng loloa e ayaw pa niya.
MARTA: Ang totoo’y may kagandahan an gaming napanood, Gay. Mahusay nang gumanap ang mga artistang Pilipino ngayon… Buweno, makapagbihis nga muna. ( Papasok sa pintuang nasa gawing likod, gitna ng tanghalan. Maiiwan ang mag –iina.)
BOY: Ma, me pasalubong ako sa’yo. Heto, o… ( Aabutan ng isang chocolate candy ang ina.)
LIGAYA: Salamat, anak, pero tataba ako nito. Anong sa ni Papa n’yo? Huwag akong masyadong magkakain ng matatamis para huwag tumaba.
ROSA: (Pabiro.) Hindi baling mataba, Mommy basta seksi.
BOY: Isa lang naman, Mommy, a. Saka, malapit na’ng pasukan, papaya ka na naman pag nagturo ka.
ROSA: (Dudukot sa kanyang bag) Mommy, pustahan at gusting – gusto mo’ng dala ko sa iy (Iaabot ang isang putting supot sa naliligayahang ina) O, heto.
LIGAYA: (Matatawa pagkakita sa laman ng supot.) manggang manibalang. At may kasama pang bagoong. Ku, talaga naming napakamaaalalahanin ng aking mga anak. (Yayakapi’t hahagkan ang mga anak.)
ROSA: Alam mo, Ma, paglabas naming sa sine, e nag – shopping pa kami sa Abenida. May binili si Lolang regalo para s birthday ng Papa bukas.
LIGAYA: Ano ba yon?
ROSA: Babarunging – tagalong, Mommy.
BOY: Ang ganda – ganda po… Ikaw, Ma, ano ba’ng regalo mo sa Papa, ha?
LIGAYA: Bukas na n’yo malalaman. Baka pa masabi mo sa ‘yong Papa… Saka, Boy, hindi dapat malaman kaagad ng reregaluhan ang ibibigay sa kanya kung di sa oras ng pagbigay.
ROSA: S’yanga, Boy, para sorpresa, dib a, Mommy?
BOY: Ano ba’ng ibig sabihin ng “sorpresa?”
LIGAYA: Gulat na nakatutuwa. Boy, Isang bagay na hindi mo akalaing darating.
BOY: A, gano’n pala… Ma, tama nab a ‘yung regaloi ko ke Papa?
LIGaYA: Oo. Natitiyak kong masisisyahan anng inyong Papa sa inyong mga handog sa kanya bukas, lalo pa’t malalaman niiyang ang inyong binili’y galling sa inyong mga piggy bank.
ROSA: Ako’y me sampung piso pa, Mommy. Bukas, e magpasyal tayo sa Luneta, ha? Magbo- blowout ako ng drumstick.
LIGAYA: ‘Yan ang ibig ko sa ‘king anak, galante.
ROSA: Kasi kayo ng Papa, e galante rin, e.
BOY: ( May maiisip) Mommy, asan bang Amerika?
LIGAYA: Doon sa ibayong dagat. Malayo… bakit mo naitanong, Boy?
BOY: Kasi nu’ng sang araw e sabi ng Papa, “ibig mong sumama sa akin sa Amerika?
LIGAYA: O, ano naman anng wika ng Papa?
BOY: Do’n na raw ako mag-aaral…Mahusay ba’ng titser do’n, ha, Ma?
LIGAYA: Kahit saan, anak, ay may mahusay at may mahinang klaseng guro. (Haharapin si Rosa) Ikaw, Rosa, kung isasama ka ban g iyong Papa ay sasama ka sa Amerika?
ROSA: Sasama ako kung kasama ka at si Lola.
BOY: Sana, Mommy, Lahat tayo magpunta sa pinupuntahan ni Papa, kahit saan ‘yon.
ROSA: Saan – saan nab a napunta ang Papa, ha, Mommy?
LIGAYA: Sa Amerika, napinagdalubhasaan niya sa panggagamot, sa Vietnam at sa Laos nang sumama siya sa Operation Brotherhood… sa Hapon, Hongkong, Thailand, espanya, Italya, Pransya, at marami pang iba.
BOY: Talagang sikat si papa. E, di ang dami – daming perang nagastos ng Papa, ha, Ma?
LIGAYA: Kaunti lang, kasi’y nakakuha siya ng tinatawag na fellowship grant at travel grant.
ROSA: Ano ba,’yon, Mommy?
LIGAYA: Libre, may gumasta para sa kanya.
ROSA: Dahil marooning siya?
LIGAYA: oo.
ROSA: Sana magbalediktoryan din ako paris ng Papa.
BOY: Ako man.
LIGAYA: Masipag mag – aral ang inyong Papa. Kayo man ay mag – aral na mabuti at malamang magtapos na baledektoryan din, o kaya’y ibang mataas na karangalan. (Daratingn si Aling Martha na nakadamit pambahay na.)
MARTA: Aba’y hindi pa pala nakapagpalit ng bihisan ang dalawang yan, a… O, sige, mga apo, bihis muna. (Susunod ang dalwang bata, makikita ang aklat na ibinaba ni Ligaya sa sopa. Dadamputing iyon at babasahin ang pamagat.) The Invisible Government.
LIGAYA: Iyan, Mama, ay tungkol ho sa Central Intelligence Agency o CIA, ang “Pamahalaang hindi nakikita. “ Bilyun-bilyong dolyarhu pala ang ginagasta niyan. At laganap pala sa buong daigdig ang mga ahente niyan.
MARTA: Huwag mong sabihin, gay, na mayroon niyan dito sa atin.
LIGAYA: Marami hu.
MARTA: Ha!… Nakapagtataka.
LIGAYA: HUwag kayong magtaka, Mama. Talagang ginagawa ng Amerika ang lahat ng paraan upang mapalaganap at mapanatili ang kanayang impluwensya at kapangyarihan sa lahat ng dako.
MARTA: Pawang mga Kano ba ang ahente niyan?
LIGAYA: Hindi hu. Iba’ ibang uri ng tao ang mga tauhan niyan. Ngunit mahirap silang makilala. Marami raw galamay sa Pilipinas ang CIA.
MARTA: (Isang mapait at makahulugang ngiti ang sisilay sa labi) May katwiran nga ang nagsasabing ang Pilipinas ay hawak pa rin ng Amerika. Daang milyon nang utang natin sa kanya… Hindi tayo makakilos nang di muna sasangguni sa Amerika. May suliranin tayo, kuha agad ng mga “ekspertong” kano gayong tayo ang higit na nakauunawa sa ating mga suliranin mat mga lunas dito. Anong klaseng bansa tayo?… Republikang basahan?… maiba ako, anak, nasabi mo na ba kay Fidel ang tungkol sa telegramang galling sa Malakanyang?
LIGAYA: Pagkabasa ko’y itinawag ko sa kanya ngunit nagkataong, okupado ang linya. Nang ulitin ko ang tawag pagkaraan ng sampung minute ay wala nang dalayton. Hayaan at hanggang ngayo’y wala pa rin…
MARTA: Kakatwa naman talaga ang teleponong yan. Mas Madalas pang kasya buo. Dumayal ka ng isang numero at iba ang sasagot. Uulitin mo, iba na naman. Suwerte mo nang makonekta sa unang dayal. Ku, kung di nga lamang kailangan ay mabuti pang ipaputol na yan. kunsumisyon lang ang inaabot mo.
LIGAYA: (Ibabalik antg paksa sa dati.) Palagay kaya n’yo, Mama, ay may pag –asa si Fidel na makakuha yung puwesto.?
MARTA: Kung ganyang pinaghahanda pa siya ng ibang kinakailangang papeles ay baka sakali.
LIGAYA: Ano pa kayang papeles ang kulang ni Fidel? Isang basta na ang naipadala niya roon.
MARTA: Alam mo naman, Gay, an gating gobyerno: maraming rekutitos na hinihingi sa mga aplikante.
LIGAYA: Mama, hindi hu kaya magbago ang loob ni Fidel kukng sakaling siya ang palaring mahirang na pangalawang patnugot ng South General Hospital?
MARTA: Aywan ko nga bas a taong ‘yan.
LIGAYA: Ano hu ba’ng napag – usapan n’yo kahapon?
MARTA: Tila nawawalan na raw siya ng interes. Nayayamot na raw siya sa dami ng red tape. At kailangan pa raw ng de – padrino. Mas malakas daw ang padrino. Mas malakas daw ang padrino, mas madali ang entra.
LIGAYA: Sakit ‘yan ng bayan.
MARTA: Ke ibigay raw kahit kanino ang puwestong ‘yun ay wala na siyang pakialam. Itutuloy raw niya’t itutuloy ang pagpunta sa Amerika.
LIGAYA: Talagang napakatindi ng hinanakit ni Fidel sa pamahalaan. At, suyang – suya na siya. Kaya ibig niyang layuan ang ayon sa kanya’y talamak at palala nang palalang mga kanser ng lipunan.
MARTA: May katwirang magkagayon ang iyong asawa. Ang isang tulad niyang mapagmasid, mapanuri, matalino, at ideyalista ay hindi magkagusto sa uri ng lipunang ginagalawan: marumi, mapagkunwari, materyalista, magulo…
LIGAYA: Sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako, Mama, na mababago ko ang kanyang loob. May ilan pa akong alas na hindi naisusugal, halimbawa’y ang tungkol sa pagkapunta ko sa klinika ni Doktora Samonte kaninang umaga. (May ibubulong sa biyenan na ikaliliwanag ng mukha ng huli.)
MARTA: (Ngagalak) Makakapulitana ka riyan. Tama, bukas mo na sabihin sa kanya. Natitiyak kong malulundag siya sa tuwa.
LIGAYA: (Lalamlam ang magandang mukha) Ngunit, Mama, tila hindi hu mapaglabanan ni Fidel ang nakararahuyong alok ng isang ospital sa California.
MARTA: Ang anyaya ng pilak ay totoong mahirap tanggihan. Lubhang makapangyarihan ang salapi, anak.
LIGAYA: Biro n’yo, isang libo’t limang daan dolyar isang buwan. At libre pasahe pa. bukod sa iba pang pribelihiyo.
MARTA: Katumbas na ‘yan halos ng anim na libong piso. ‘Yan ang isang bagay na maipupuri mo sa Amerika, matatas magpasuweldo…O, e ano, papayagan mo ba siyang umalis na naman?
LIGAYA: ‘Yan ngna hu ang aking suliranin, Mama. Sabi ko’y bakit kailangan pa niyang mangibang bansa ay sa hindi naman tayo kinakapos. Aming kita, siya sa panggagamot at ako sa pagtuturo, ay sapat naman sa ating pangangailangan.

MARTA: Iba si Fidel, Gay. Nais niyang habang bata pa makaipon, makapagsarili, at makapag – ukol ng mahabang panahon sa pagsasaliksik at pagtukalas ng gamut. Di ba’t mallimit niyang sabihing hindi magiging ganap ang kanyang tagumpay hanggat hindi nakatutuklas ng mabisang gamut sa kanser?
LIGAYA: Sino hu bang hindi ibig makaipon. Ngunit sa patuloy na pananagutang sosyal at sibiko, matrikula, mag aklat, at iba pa ay medyo may kahirapang makaipon.
MARTA: Kumusta ang inyong plano tungkol sa bahay?
LIGAYA: Kung si Fidel ang masusunod, Mama, ay mahihirapan tayong magkaroon ng sariling bahay. Takot siyang mangutang
MARTA: Ang ibig nga raw niya’y yung kikitain sa Amerika ay siyang ipapatato ng bahay sa inyong lote sa Quezon City.
LIGAYA: Ngunit ang paglayo…(Magbubuntunghininga) Kayo, Mama, matitiis ba n’yong hindi Makita at makapiling sa loob ng tatlong taon o higit pa, ang iyong kaisa-isang anak na si Fidel?
MARTA: Ako’y isang matanda na. anuman sandali’y maaaring… Ngunit kung ibig ni Fidel, at papayagan mo naman, sino akong pipigil?
LIGAYA: Sa dalawang pangingibang bansa ni Fidel ay hindi ako tumutol, at ni hindi ako nabagabag. Ngunit ngayon, Mama, para akong kinakabahang kung paano.
MARTA: Ano’ng pinag-aalala mo, anak?
LIGAYA: Iba nap o ang panahon ngayon, Mama. Baka matukso si Fidel. At makalimot. Marami na akong nabalitaang mag-asawang naghihiwalay…
MARTA: Nangangamba kang matulad sa iba si Fidel, gano’n ba?
LIGAYA: Isang kaibaigan ko’t dating kamag-aral sa UP, si Nenette, ang ngayo’y nagdadalamhati. Naghiwalay silang mag-asawa, pagkatapos na matira ng dalawang taon sa Amerika si Ruby, na isang doctor.
MARTA: Hindi gagawa ng gano’n si Fidel.
LIGAYA: Mama, marami hu ang humahanga sa pamamahalan ni Nenette at ni Ruby. Kaya, hindi kami makapaniwala na ang kanilang pagsasama’y hahantong sa paghihiwalay. Si Ruby, paris ni Fidel, ay isa ring siruhano.
MARTA: Tila balak ni Fidel ay pasunurin tayo sa Amerika kung naroon na siya.
LIGAYA:Hindi ako mawiwili sa ibang lupain, Mama. At isa pa’y hindi ako makaalis sa aming pamantasan. Masisira ang programang aking inihanda para sa aming kagawaran. (Tutungo sa bintana at tatanaw sa malayo; halatang kinakainipan ang pagdating ni Fidel.)
MARTA: (Titindig at maglalakad-lakad upang mag-unat ng tuhod) Kung naro’n ka’y maari ka ring makapagturo. At makapag-arl. Maaaring doon mo na tapusin ang iyong doctorate sa edukasyon.
LIGAYA: Matay ko mang isipin, Mama, ay nakatatawa rin ang bansang Amerika. Mapagkunwari rin. Magulo rin. At wlang pagkakaisa. Nahahabag ako sa kalagayan ng mga Negro at ng mga Negro at ng mga Indiyan doon. At, alam n’yo, saisang nabasa kong magasing Ingles ay nabatid kong patuloy ang pagdami roon ng mga dalagang-ina.
MARTA: Dito man sa atin, ayon kay Fidel, ay dumadami rin ang mga sawimpalad na dalaga.
LIGAYA: Hindi sila sawi, Mama. Mga hangal sila. Mga uhaw sa kamunduhan. At karamihan sa kanil’y nabibilang sa mataas na lipunan. Dapat silang kasuklaman, sapagkat sila’y batik sa kapurihan ng kababaihang Pilipina.
MARTA: Isa yan sa bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan, anak.
LIGAYA: Oho, Mama, makabagong mapangwasak… Beatniks… hippies… a-go-go… mini-skirt… Ano pa kayang putaheng Amerika ang pagkakamatayan ng mga Pilipino?
MARTA: Nakakahiya, ngunit totoong an gating panahon ay henerasyon ng panggagaya, panghuhuwad, panloloko, krimen, pagsasamantala…
LIGAYA: Tingnan n’yo ang bansang ibig puntahan ni Fidel, ilan nang mabubuting lider ang kanilang pinatay?
MARTA: Kung sabagay, Gay, bawat bansa’y sadyang may kapintasan. Bawat lahi ay may kahinaan. Bawat panahon ay may kanyang sakit.
LIGAYA: (Pagkaraan ng saglit na katahimikan.) Bata pa si Fidel, Mama. Bukas ay kwarenta na siya. Makisig siya. At malapit sa kanya ang mga babae.
MARTA: Ngunit matibay ang kanyang puso. Nakita mo, sa loob ba ng labindalawang taon ng inyong pagsasama’y naglukko na siya?
LIGAYA: Hindi nga ho, ngunit… Sa Amerika’y labis ang kalayaan ng mga babae, at alam nating ang lalaki’y lalaki kailanman… At isa pa’y hindi ako payag na doon pag – aaralin ang mga bata.
MARTA: Kaisa mo ako riyan. Sabihin nang ako’y makaluma ngunit ibig kong sa sariling bayan tayo mabuhay at mamatay. (Maririnig nila ang kiriring ng telepono.)
LIGAYA: Ayan, umandar na naman an gang sumpunging telepono. (Matatawa silang magbiyenan. Tutunguhin niya’t iaangat ang awditibo ng telepono.) Hello… Oo, ito nga.. Oy, Ched, ikaw pala… Kailan ka dumating? O, kumusta ang biyahe?… Mabuti naman…Wala, wala pang liwanag ang lakad ni Fidel… Oo,, tatlong buwan na ngayong nakabitin na wika nga’y “balag ng alinlangan at pananabik”… Si Fidel nga ang most qualified sa tatlong kandidato ngunit siya ang bukod tanging walang padrino. Nanghahawak siya sa kanyang sariling kakayahan… Yun nga ang hirap sa asawa ko, ayaw kumuha n glider… Oo, Ched, malalakas ang padrino ni Dr. Loban, dalawang cabinet members… Yung inaaanak ng Pangulo? Inutil daw, ngunit alam mo na sa ating gobyerno, hindi kung sino ka kung di kung sino ang kinakapitan mo.” Di ba? …Mabuti nga. Siyanga pala, dine kana mananghali bukas, birthday ni Fidel… Makakarating. Aasahan ka naming bukas, ha?… Babay… (Haharapin ang biyenan) Si Ched, Mama. Kararating lang niya buhat sa paglilibot sa Amerika at Europa. Sabi ko’y pumarito siya bukas.
MARTA: Mabuti… Tungkol sa kaso ni Fidel. Talaga bang mahigpit ang kanyang laban sa puwestong yaon?
LIGAYA: Mahigpit, Mama, bagaman siya ang rekomendado ng kanilang director sa South General Hospital.
MARTA: Para ko nang nakikiatang hindi si Fidel ang mahihirang.Maganda man ang kanyang record at rekomendado man siya ng kanilang director ay mahihirapan siya. Basta’t pinasukan ng pulitika. Alam mo na.
LIGAYA: Ipinagkakapuri ko si Fidel sa kanyang paninindigan, Mama.
MARTA: (Makahulugan) Maniwala ka, anak, habang anng pulitika’y nakapangyayari sa ating bansa, hindi tayo lalakas ni uunlad. Ang ating pulitika, na napakarumi, at balitang kapag hindi nasawata ay siyang lilingkis at kikitil sa ating lahi. Ano na ang sabi ng isang kinatawang Muslim? “Na silang mga pulitiko ang sanhi ng paglaganap ng krimen dito.”
LIGAYA: Tama sina Roces, Tanada, at iba pa sa pagsasabing “kailangan ang isang rebolusyon ng pagbabago.” (Gagambalain niya ang pintuan. Lilitaw ang kanyang kabiyak, si Dr. Fidel Cortez.) (Matikas, masigla, at may malakas na personalidad si Fidel. Nakabarong tagalong siya. Masuyo niyang hahagkan anng asawa at pagkatapos ay magmamano sa ina.)
MARTA: (Sa gawing silid nakatingin) Rosa! Boy! Narito nang inyong Papa. (Patakbo naming lilitaw ang mga tinawag. Nag – uunahan silang magmamano sa kanilang ama.)
FIDEL: KKUmusta’ng panonood ng sine? Maganda ba’ng inyong napanood?
BOY: Ang ganda, Papa. Ang husay – husay pos a karate nung bida. Ganito ( ilalarawan) “tsak, tsak, pak, bog.” Bagsak ang kontrabida. Gusto mo, ibibida ko sa’yo, ha, Papa?
MARTA: Komiks! Di ba’t napag – uusapan nating puwera komiks muna?
FIDEL: Opo, Mama. Ngunit iba ang komiks na uwi ko. Akin na nga muna, Boy. (babawiin sa anak) O, tingnan n’yo. (aabutan ng tig – iisa angn ina at ang asawa.)
LIGAYA: Noli Me Tangere. Mayro’n pala nito.
MARTA: At ire nama’y El Filibustirismo, isa sa mga nobela ni Rizal. At maganda nag pagkakadibuho, a.
FIDEL: Makatutulong yank ay Rosa at kay Boy nang maagang pagkaunawa sa mga sinulat ng ating bayani.
MARTA: Tila may nabasa akong manunulat na nagsabing “basura” raw ang komiks ngunit marami rin angn kapupulutan ng mahalagang aral at kaisipan. (Ibabalik sa dalawang bata ang mga komiks magasin.)
MARTA: O, tena kayong dalawa sa loob. (Aakbayan ng dalawang apo at sila ay papasok. Maiiwan ang mag – asawa.
LIGAYA: Hindi ka ba muna magpapalit ng samit, Del?
FIDEL: (Matappos tabihan at akbayan ang kabiyak) Alam mo, mayroon…
LIGAYA: (Mabibigla.) Ha! Sino? I-kaw?
FIDEL: Hindi. Si Dr. LOban.
LIGAYA: Hindi ka ba nagbibiro, Del?
FIDEL: Nanumpa na siya ngayong hapon. Buaks ay tiayk na nasa mga pahayagan ang balita. (Malulungkot ang kausap) Huwag kang malungkot, Gay… ganyan lang talaga ang buhay.
LIgaya: Ngunit bakit tinelegramahan ka pa ng Malakanyang?
FIDEL: Kailan? Nahan?
LIGAYA: Kanina. Heto ( sabay dulot sa bulsa at abot sa asawa ng telegram).
FIDEL: (Babasahin nang malakas) “ Please come to Malacanang soonest with necessary papers re position applied for.’… Alam mo ‘ling maging sa Malakanyang ay walang koordinasyon, kung minsan.
LIGAYA: Bigla naman yata ang pagkakahirang kay Dr. LOban, ha?
FIDEL: Mangyari’y nabigla raw ang Pangulo. Bukod daw sa dalawang miyembro ng gabinete ay isang malaking delegasyon ng mga lider ng partido ang isinama ni Dr. Loban sa Malakanyang. At, nagsama pa rind aw ng maraming reporter. Alam mo na, malapit na naman ang eleksyon.
LIGAYA: (Tatangong may mapait na ngiti) Ano naman ngayon ang gagawin mo sa telegramang yan?
FIDEL: (Magkikibit ng balikat.) “ Come to Malacanang… “Para ke pa. itong sinasabing iniinsulto ka na’y sinasaktan ka pa. ang nakatatawa’y mapapailalim ako sa aming bagong assistant director na sa akin lamang nangongopya noong kami’y nag – aaral pa sa U.P. at, kung hindi pa rin “nilakad” e, hindi pa papasa sa board exam.
LIGAYA: (Parang wala sa loob) Mapalad si Dr. Loban.
FIDEL: Kaya, Gay, masisiis mo ba ako, kung naisin kong umalis sa Pilipinas? Dito, kahit saan ka tumingin ay wala kang makikita kundi ang marungis na mukha ng pulitika.
LIGAYA: (Parang wala sa loob) Sa harap ng mga kasalukuyang pangyayari, hindi ko maubus – isipin kung paano “mulling dadakila” ang Pilipinas.
FIDEL: Maaari, bakit hindi, ngunit tinitiyak ko sa yong hindi sa panahong ito. (Titindig at kukuha ng sigarilyo sa isang lalagyan. Alam mo, Gay, nagkasundo na kami ni Dr. Bugarin na mag – sabay na tumungo sa Amerika. At si Dr. Sitjafr nga pala, na isa ring disgustado, ay nagbaballik sumama sa amin. (Hindi kikibo si LIgaya, mapapabuntinghininga lamang. Daraan ang ilang saglit na katahimikan.)
LIGAYA: Hindi kita masisisi, Del, na maghinanakit. Ngunit isip – isipin mo, ang paglayo mo ba, at ng mga pang “disgustado” ay makabubuti sa mga “karamdamang” nais ninyong takasan?
FIDEL: Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka’t katiwalliang aking nakikita, nadara, nababasa… Sayang at hindi ako nagging nobelista, o mandudula. Kung nagkatao’y baka isang Noli rin, o isang Kahapon, Ngayon at Bukas ang masusulat ko.
LIGAYA: At sapagkat hindi mo na masikmura ay lalayo ka, gano’n ba?(Magiliw na kakawitin sa bisig ang kausap upang mapaharap sa kanya).
FIDEL: (Makahulugan) Ang Pilippinas ay nasa bingit na ng malaking panganib. Dito’y hindi na “lakas ng katwiran” ang nananaig kundi “ katwiran ng lakas.” Ang mga batas ay wala nang ngipin. Lumuluha na ang katarungan..
LIGAYA: Hindi ako nawawalan ng pag – asa.
FIDEL: Natatandaan mo bang sinabi ni Roces? Sabi niya, “Maging ang mga hukuman ay hindi nalilligtas sa mga mantas ng kurapsiyon.”
LIGAYA: Ikaw ay isang tanyag na siruhano. Di ba’t ang isang maysakit,anuman kalubha ang karamdaman, ay may pag – asang gumaling?
FIDEL: Depende sa karamdaman, Gay. Nakita mo, ako’y hindi nandiri kelanman sa anumang sakit, datapwat ang nana n gating lipunan ay totoong napakalansa, nakaririmarim, nakasusuka!
LIGAYA: At ang naiisip ninyong mga doctor, sa harap ng ganyang mga sakit, ay mangingibang – bansa? Angn gayon ba’y makatitighaw sa karamdamang inyong pinandidirihan? Ayokong marinig na tayo’y katulong sa tinatawag na brain drain.
FIDEL: Kailangan natin, kung baga sa makina, ay complete overhaul. Kailangan ay pagbabagong – buhay ng mga namumuno at pinamumunuan.
LIGAYA: Sang – ayon ako sa mga sinasabi mo, ngunit hindi ba higit na mabisa at kanais – nais ang pamunuang may kasamang panlunas?
FIDEL: Tama, ang paggamot sa isang sakit nito at ito ang pagbuhusan ng lakas upang tuluyang mawala.
LIGAYA: Ikinagagalak kong marinig yan sa iyo.
FIDEL: Tayo rito’y salita nang salita ng demokrasya ngunit kakatwa an gating pagkakilala, at pagpapahalaga sa diwa ng demokrasya.
LIGAYA: Matanong kita. Sa bansa bang pupuntahan mo’y may pagkakaisa? May pagkakapantay-pantay ba? May pagkakapatiran?… (Bigla silang gugulantangin ng mga sigaw at pagpapagibik na mula sa anki’y nangaghahabulang tao. Mapapatindig sila at sisilip sa bintana. Lahat ng salitang maririnig nila ay magmumula sa llikod ng tabing, mula sa kaliwa, pakanan.)
MGA TINIG –LALAKI: Harangin ang isnatser nay an!
TINIG – BABAE: (Halos paos na) Magnanakaw!… Saklolo!…
IBA-IBANG TINIG: Isnatser!… Isnatser!… Kawatan… Harangin… Gulpihin…
ISANG TINIG – LALAKI: Hayun! Hayun ang walanghiya! Bilisan n’yung tugis!…
TINIG – BABAE: Dali kayo mamang pulis!…
TINIG – PULIS: Sa’n! Sa’n nagsuot?…
TINIG – BABAE: Do’n hu! Hayuuuuun!… Daliin n’yo! Ang bag ko!… Naro’n ang aking suweldo! O, Diyos ko!…
ISANG TINIG – LALAKI: Lumiko sa iskinita! Hayun!… Harangin n’yoo!… (Makaririnig ang mag – asawa ng tatlong sunod – sunod na putok ng baril. Magpapalitan sila ng tingin.)
FIDEL: ( Sa tabi pa rin ng bintana) Nakita mo na, Gay… Pasasaan ka sa buhay na ito? … Nakawan at patayn kabi-kabila… Lubhang malala na ang kasamaan.
LIGAYA: Kung tayo ba’y may sarili nang bahay sa UP Village…
FIDEL: Tingnan mo, ‘ling. Labindalawang taon na katang nagsasama, suballit nakaipon nab a tayo nng sapat para ipagpatayo nng sariling bahay? Mangyari’y palaki nang palaki an gating mga gugulin; pataas ng pataas at parami nang parami an gating pinagbabayaran ng buwis.
LIGAYA: Kkung nakinig ka sa akin, nakautang na tayo sa GSIS o sa SSS, nakapagpatayo na ng bahay, at baka nabayaran na yon.
FIDEL: Anh kikitain ko sa Amerika sa loob ng isang taon lamang ay sapat nang makapagpatayo ng isang bungalow. At gaano pa kung aabutin ako roon ng mga tatlo o apat na taon?
LIGAYA: (Lalakad na marahan patungo sa tabi ng “hi-fi” at hahawakan ang isang larawan ni Fidel na kasam ang ilang paring taga – laos.) Del, napagwawari mo bang tuwing mangingibang – bansa ka’y nagiging hungkag at tuyot ang buhay naming mag – iina? Noong magpakadalubhasa ka sa Amerika ay ilang taon kaming nakibaka sa kalu ngkutan? At noong nasa Vietnam ka at Laos na kabilang sa Operation Brotherhood ay dalawang tao’t kalahati kaming nagrorosaryo upang maligtas ka sa mga viet Cong o mga Pathet Lao.
FIDEL: (Lalapit kay Ligaya, pasiste) Panay naman ang pauwi ko ng pera.
LIGAYA: Del, ang salapi’y hindi siyang lahat sa buhay ng tao!
FIDEL: (Pabiro.) Alam ko ‘yan, mahal kong propesor!
LIGAYA: Kahit sapat lamang sa ating pangangailangan ang kinitang sinasahod ay di ba’t higit tayong maligaya kung tayo’y palagiang magkasama?
FIDEL: Tami, ‘ling, sa alok sa ‘king isang libo’t limang daang dolyar sambuwan ay makukuro mo na kung gaano ang maiipon ko roon. Pa’no ko kikitain ang gayong halaga rito?
LIGAYA: (Pipisilin ang palad ni Fidel at magiliw ring mamalasin ang kabiyak.) Kailangan ka naming dito, Del!… Lumalaki ang mga bata. At saka – (mangingiti subalit biglang mauudlot.)
FIDEL: Saka, ano?
LLIGAYA: A, wala! Kailangan nating subaybayan sina Rosa at Boy…
FIDEL: Kahit ako’y wala… Malaki ang tiwala ko sa iyo, Gay. Isa kang ulirang ina at guro!
LIGAYA: Mahal mo ako, Del, diba?
FIDEL: (Tatawa ng maikli.) Kailangan pa bang itanong yan ay sa alam mo naming ikaw ang aking buhay at inspirasyon.
LIGAYA: (Kukurutin sa pigi ang katabi) Talagang mahusay kang magpataba ng puso.
FIDEL: Kung akong masusunod ay ibig kong tumigil ka na sa pagtuturo. Sabi mo nga’y madali kang tatanda dahil sa pahina nang pahina ang ulo ng mga estudyante ngayon.
LIGAYA: (Matatag) Magtuturo ako, Del, hanggang ako’y may lakas!… (wala sa loob ay mahahawakan ang pahayagang uwi ni Fidel at mababasa ang ulo ng isang balita.) Ano!? Limampung namatay sa kolera? (Patuluyan nang babasahin ang balita. Mapapailing at mapapakagat – labi.)
FIDEL: Isa pa ‘yang bunga ng kababayaan – ng pagwawalangbahala. Magpapakilos ‘yan, Makita mo. Ngunit pagkaraan ng sigabo ay babalik sa dati…
LIGAYA: Ningas – kugon.
FIDEL: Tama, ningas – kugon. Isa pang sakit nating Pilipino’y ito: kaya lamangn magsususbaybay ng bahay ay kung hinahagupit na ng bagyo.
LIGAYA: (May magugunita) Siyanag pala, Del, Kumusta ang balak ng Knoghts of Rizal na magpadala ng mga doctor sa mga baryo? Ano’ng nangyari sa usapan n’yo ni Dr. Peralta, ang kanilang pangulo?
FIDEL: Tuloy ang kanilang balak. At ibig pa nga ni Dr. Peralta’y ako ang mamuno sa team na pupunta sa Cagayan.
LIGAYA: Payag ka ba?
FIDEL: Sabi ko’y pagbalik ko na mula sa Amerika. (Tutunguhin ang isang cabinet at may kukuning liham.)
LIGAYA: Del, may kasabihang tayong “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”
FIDEL: (SA tabi pa rin ng cabinet; hawak ang liham) Ang kapalara’y bihirang kumatok. Ibig mong mangyariy tanggihan ko ang alok na ito? (Itataas ang liham na air mail.)
LIGAYA: (Tatayo at maglalakad – lakad) Nag –iiba ang panahon, Del…Noon, pinayagan kitang sumama sa Operation Brotherhood sa Vietnam at Laos – makatao ang misyon ng O.B. ngunit ngayon, sa ‘ting baya’y dumarami ang naghihikahos, ang nagugutom, ang may sakit.
FIDEL: Na walang ibili ng gamot? Na walang makain dib a?
LIGAYA: Matitiis mo ba sila?… Natatandaan mo ba yung nabasa natin sa “Y” noong minsang magbadminton tayo noon?
FIDEL: Allin? Yun bang “ When the great Scorer pens your name, he writes not if you won or lost but how you played the game.”
LIGAYA: Yun nga. Kayganda ng mensahe niyon, ano?
FIDEL: Guro ka nga , Gay.
LIGAYA: (Hahawakan sa balikat si Fidel) Del, naghahamon ang “El Tor,” ang malaria, ang “Vietnam Rose,” at iba pang karamdaman sa buong Kapuluan. Sumama ka sa pangkat ng Knights of Rizal!
FIDEL: (Patudyo.) Akala ko ba’y ayaw mo na ‘kong malayo sa piling ninyong mag – iina?
LIGAYA: Hindi bale kong dito sa Pilipinas, madlli tayong magkikita… A, lumalawig an gating usapan, mabuti’y makakain muna. (Pipihit at akmang tutungo sa gawi kusina.)
FIDEL: Medyo nga kumakalam nang aking sikmura, e.
LIGAYA: Pihong gutom na rin ang Mama at ang mga bata.
FIDEL: Ibig kong mag – shower muna sandal, pwede ba?
LIGAYA: Walang tubig.
FIDEL: Ano! Walang tubig?
LIGAYA: May bagong sira raw na tubo.
FIDEL: Na naman! (Halatang yamot.) Kailan pa?
LIGAYA: Kaninang makapananghali lamang.
FIDEL: Teribleng talaga ang Nawasang ‘yan! Mabuting nmaniningil at maagap puputol ng koneksyon, subalit kulang na kulang sa serbisyo!… Ngunit kung magpa-press release. A, paano ka bang maniniwala sa kanila!…
LIGAYA: Magpapapasok ako kay Karyas. (Biglang lilitaw ang magkapatid na Rosa at Boy. Iba na ang kanilang suot.)
ROSA: Ma, Pa, kakain na raw, sabi nng lola.
BOY: (Hahawakan sa kamay ang ama) Tena, papa. Magbibidahan tayo pagkakain diba?
LIGAYA: Maliligo daw muna sandal ang inyong Papa.
FIDEL: Kung gutom na kayo’y mauna na kayo.
ROSA: Pero, Pa, walang tubig sa gripo!
LIGAYA: Magpapapasok ako kay Karyas sa kanto.
ROSA: O, sige, antayin na natin anng papa.
Boy: Basta bilisan mo, ha, Pa?
LIGAYA: (Kay Rosa). Sabihin mo, Rosa, kay Karyas na sumalok ng tubig. Dalian n’ya kamo, ha?
BOY: Pa, sunduin mo ako sa iskwelahan, Ha?
FIDEL: Oo, anak, tuwing may panahon.
BOY: Anong ibig sabihin, Pa, ng “tuwing may panahon?”
FIDEL: Hindi sa lahat ng araw, Boy.
BOY: Ba’t gano’n. gusto ko araw – araw. Paris ni Budyoy. Paris ni Jun. hinahatid pa sila at sinusundo ng kanilang daddy.
FIDEL: Ibig na ibig ko nga sana, anak, ngunit ang dami – dami kong Gawain. Nar’yan naman si Karyas, a.
LIGAYA: (Aakbayan ang bunso.) Hamo, Boy, at pipilitin ng iyong Papa na siya nag makapaghatis at makasundo sa inyong magkapatid.
BOY: Saka pala, Pa, bakit sina Jun, ang dalas nilang magpasyal sa Luneta? Tayo hindi.
LIGAYA: Magaan ang trabaho ng daddy nina Jun, di tulad ng inyong Papa. (Babalik si Rosa.)
BOY: Ate, dib a sina Budyoy, e madalas sa Luneta at sa Zoo, ano?
ROSA: Oo, sige, Pa, sa Lilnggo, e pasyal naman tayo sa Luneta. Saka sa Children’s Park, ha?
FIDEL: O, sige, sige… ( May magugunita) Hintay! Sa lingo nga pala ang pulong n gaming Medical associuation sa Hilton.
ROSA: (Mananamlay) Meron akong sasabihin, pa, pero h’wag kang magagalit, ha?
FIDEL: Ba’t ako magagalit, Ano yun anak?
ROSA: sa tingin ko, mas mahal mo pa’ng trabaho mo kesa sa amin.
FIDEL: Uy! (Pangiting nailing, sabay pisil sa pisngi ni Rosa) Maliit pa’y sanay anag pumuna ang aking magandang prinsesita!
LIGAYA: E kanino pa ba magmamana yan?
BOY: Ako, Ma? Ayokong maging doctor paglaki ko.
LLIGAYA: At bakit?
BOY: Kasi lagging wala sa bahay. (magkakatawanan sila.)
ROSA: Tama si Boy. Kahit gabi, umaalis. Kahit holiday, gano’n din.
FIDEL: (Pabiro.) Hala kayo, pagtutulungan na naman ninyo ko. Pero, hindi bali. Kahit n’yo ko kalabanin ay kayo pa rin ang pinakamamahal ko sa bundong mundo!
ROSA: Artista ang Papa!
BOY: O.A.
LIGAYA: Teka nga pala, Boy. Sabi mo’y ayaw mong maging doctor. Ano’ng ibig mo paglaki mo?
BOY: Ibig ko Meyor, paris ni Meyor Villegas. O kaya’y president, paris ni Marcos! (matatawa na naman ang lahat.)
FIDEL: Nakagugulat pala ang ambisyon ng aking anak. Dale nga, Boy, kung gatpuno ka na’y ano naman anng gagawin mo, aber?
BOY: (May pagmamalaki) Siyempre, yayariin ko ‘ng anderpas. Saka yung mga kalye, aayusin ko para hindi nasisira’ng ating kotse.
Rosa: Yan lang? Mahina kang klasengn alkalde!
BOY: Hindi pa ko tapos, Ate! Pahuhuli kong lahat – lahat ng magnanakaw, saka mandurukot, saka yung nambabaril ng tao, saka – a basta lahat nng masama, pahuhulli ko sa pulis! (Habang nagsasallita si Boy ay magtitinginan at magkakalabitan ang kanyang mga magulang.)
ROSA: Halilmbawa, BOY, e me nahuli kang magnanakaw. E, kunng suhulan ka?
BOY: Ano yung suhulan ka?
ROSA: Di suhol. Pabagsak. Lagay. Bibigyan ka ng maraming pera.
BOY: (mauunawaan; lalabi.) Hindi ko kukunin. Basta ibibilanggo ko’ng masasamang tao, tapos.
LIGAYA: Kahit na mga anak ng mga big shoot?
BOY: Miski na sino pa, Mommy!
ROSA: E, kung bigyan ka ng sanlaksa? O kaya sang milyong piso?
BOY: (Haharapin ang ina.) Ga’no ba karami yun ha, Mommy?
LIGAYA: Napakarami, anak, hindi mo kayang bilangin.
BOY: Kahit ‘sang milyon, Ate, ayoko rin. Kasi sabi ng Lola at ng Mommy masama raw yung masyadong matakaw sap era, diba?
FIDEL: (Mangingiti nang lihim; si Rosa naman anng haharapin.) Ang prinsesa ko naman, anong ibig mong trabaho paglaki mo?
ROSA: Titser s’yempre, paris ng Mama. Pero ayoko sa iskul na me lalaki.
FIDEL: At bakit naman?
ROSA: Kasi nakakatakot ang itsura ng ibang lalaki. Ang hahaba po ng buhok, ang kikipot po ng pantaloon.
LIGAYA: E, saan mo ibig magturo, anak, kung sakali?
ROSA: Sa isk’welahan ng mga babae, syempre. Saka ibig kong turuan, e mga bata.
BOY: Ayaw mong maging doctor, Ate? Bakit?
ROSA: Kasi natatakot ako sa dugo. Saka sa malalaking sugat.
MARTA: (Buhat sa loob; malakas) Rosa, Boy! Hindi na kayo bumalik?
ROSA: (Magugulantang.) Senga pala! Inutusan tayo ng Loloa! Kakain na raw.
LIGAYA: Sige, balik na kayo sa Lola. Sabihin n’yung patakpan muna kay Toyang ang pagkain.
FIDEL: Sabihin nyo sa Lolang malilligo lang ako sandal. Sige, lakad na kayo. (bago makatalikod ang magakapatid ay biglang- bigla mamatay ang ilaw. Mapapasigaw ang dalawang bata. Maririnig din, buhat sa kusina, ang isang “Ay”)
BOY: (Patakbong kakapit sa ama, hintakot.) Papa!…
ROSA: (Takot din.) Mama! Ang dilim!… natatakot ako!
FIDEL: (Magsisindi ng lighter. Huwag kayonng matakot, mga anak. (Kay Gay) Tamo, Gay, ba’t di ka mainis sa buhay na ito. Ni walang abiso ay nag – blackout

9 Comments »

  1. 1
    joanna dela cruz Says:

    hindi q0h maintndihan……

  2. 2
    joanna dela cruz Says:

    wla bang buod????/ ang taas kasi eh………

  3. 3
    caris Says:

    may kadugtong pa po yang makapahihintay ang amerika? asan po ung kadugtong?

  4. 4
    Ranel Marinduque Says:

    wala ba 2ng buod?

  5. 5
    sherry castro Says:

    ..please pkilagyan nman po ng buod para maintindhan.. salamat po..

  6. walang buod? pakilagyan naman..

  7. 7
    april Says:

    dai ko maintndhn!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  8. 8
    leo arenajo Says:

    MAYRON PO BN6 BUOD,,, PARA SA SURING BASA
    ,,,,,,,,,, hnd koh maintindihan

  9. 9
    -- kearish Says:

    – grabe haba aman mei buod pu ba ?? plxx nid lang ..


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: