Kaunting Dugo, Kaunting Laman ni Buenaventura S. Medina Jr.

Kaunting Dugo, Kaunting Laman
Ni Buenaventura S. Medina Jr.

Nang lumabas siya sa makipot na daan ay nalantad sa kanya ang liwanag na isinasabog ng ilaw sa poste. Hinahanap niya sa mabatong daang nasasabuyan ng liwanag ang nipis ng dati niyang anyo. Sumandig siya sa poste. Saka siya tumagilid. Bahagyang numipis ang kanyang aninno. Lumitaw ang dati niyang anyo: katawang mahagway. Mga bisig at mga pang walang lakas, mukhang kay – amo; kislap ng mga matang may tanda ng pagpapakumbaba, ngiti sa mga labing may kaamuan. Nakita niyang naglakad ang manipis na katauhang iyon. Sa isipan niya’y muling nabuhay ang taong iyon. Siya nag taong iyon, kaya kailangan niya si Ibyas.
Natatandaan niya ang pagkakasapi sa kanya ng damdamin ng isang bagong tao;ang umibig sa iwag ng katawan at kapangyarihan ng mga bisig at mga paa ng mga gladyetor sa matandang Roma; mga taong nakikipamukas sa bangis ng kamatayan, nakikilatad sa tiyak na kapahamakan! at pinapangarap niyang matulad sa isang gladyetor. Kinamuhian niya ang manipis niyang pangangatawan. Kung ako’y isang taong malakas, malaki ang bisig.
Hiningi niya kay maestro Guto ang larawang – guhit ni Juan Luan. Bakit? Maganda po ang “Spolarium”, maestro. Ano ang gagawin mo? Itatago kop o, maestro. Ikinabit niya ang “Spolarium” sa dingding ng kanyang silid. Inay, ito po ang gladyetor ay mga taong malalaki ang katawan, sinlaki ng katawan ni Adong Boksingero at ni Piyong Buno, ngunit higit na mabangis. Ang kanyang ina aynapangiti lamang noon, napangiti lamang sa kanya. Siya’y nakamasid naming tila nananaginip sa huwad na “Spolarium” sa dingding.
Pinagmasdan niya ang mga gladyetor. At nakita niya ang mga ugat na dinadaluyan ng dugong sumusulak. At nakita niya ang mga paa’t bisig na pinamimintog ng lakas at kapangyarihan. Kaunti pang dugo, Adong, upang maging gladyetor. Kaunti pang laman, Piyo, upang maging glayedtor. Inay, kung maging gladyetor ba ako, magagalit kayo? Nananaginip ka ba anak? Hindi, inay basta sagutin ninyo ako. Hindi!
Araw-araw ay pinagmamasdan niya si Adong Boksingero sa pagsasanay nito. Siya’y laang makipagsanay. Lumalaki ako! Araw-araw ay pinagmamasdan niya si Piyong Buno sa pagsasanay nito. Siya man ay nagsasanay araw-araw. Lumaki ako, Inay, hindi ba?
Ikinuwento niya kina Ipe, Emoy, at Galing ang lakas ng gladyetor.
Hindi lamang sina Adong at Piyo nagsasanay araw-araw, alam n’yo. Oras-oras, saglit-saglit, nagsasanay sila. Pagkat di ninyo alam na sila’y nakikilaban sa mga leon? Ang mga leon ay hari ng bangis, ngunit ang mga gladyetor ay hari ng tapang, ng lakas, ng giting.
Sina Ipe, Emoy, at Galing ay humanga sa lakas ng mga gladyetor pagkat nangagkindatan nang marinig ang kwento niyo. At naisaloob niya, hahanga rin kayo sa akin, baling araw…
Kasanay siya ngayon ni Adong sa boksing. Kasanay siya ngayon ni Piyo sa buno. Kaya hindi siya kasama ngayon nina Ipe, Emoy, at Galing sa pamamasyal. Hindi mo na kami naaalala, biro ni Ipe. Lagi ka na kina Adong at Piyo, salo ni Emoy. Di mo na rin naaalala si Flor, a, uy! Si Galing din iyon. Napangiti lamang siya. Hindi siya bumigkas ng kahit na ano. Abalang – abala siya sa bigwis na pakaliwa. Sa pakanan. Sa ulos. Sa palo. Sa taga. Sige na, magpasyal na kayo! Nang muling mabanggit ang pangalan ni Flor ( Si Flor? Patanong na bulalas ni Ipe) ay saka lamang siya napatigil sa pagsuntok sa hangin.
Nagunita niya si Flor. Nakita ko siya. Nakasalubong ko kangina. Hindi siya nagsasabing ‘di mo na ako naaalala’. Natawa siya. Tuwing makikita ko si Flor, alam n’yo lalo akong lumalakas. Algi siyang nakangiti sa akin.
Yaon na marahil ang huling pag – uusap nila ni Ipe, Emoy, at Galing, gayong lagi niyang nakikitang nagdaraan sa tapat ng bahay ang tatlo. Abalang – abala siya sa pagsasanay.
Araw – araw, oras – oras, saglit – saglit. Tingnan ninyo, Inay, ang aking katawan. Aba, Anak, hindi na ikaw ang aking si Ibyas, patpatin!
Napatayo siya. Kaunti pang dugo upang maging gladyetor! Kaunting – kaunti na nga lamang at siya’y sumasabay na kina Adong sa lahat ng pook na katatanghalan ng gilas at lakas at tapang. Isinama siya ni Piyo sa lahat ng pook na kakikitaan ng dugo at laman.
Di ka nagsasanay, Anak? Hindi na kailangan , Inay. Tingnana mo ang katawan ko. Ang katawan niya ay katawang pinanday ng panahon; malalapad na ballikat, matipunong bisig, malamang dibdib; mga paa’t bisig na galamay ng makapangyarihang gladyetor ng matandang Roma; mukhang salamin na lagging nakangiti ngunit nakapanghihilakbot. Ngayon ay maton si Ibyas!
Nakilala siya. Sa lalong kilabot na lipunan. Doon sa mga hayag na pook. Doon sa mga ilang. Sa loob at labas ng nayon. Sa lahat ng dako.
Minsan ay kinausap siya ng kanyang ina. Nagtatangga ka, Anak, masama iyon, sapat na ang ika’y magpasyal! Ang nanay, napakaantigo ng isipan. At siya’y sasabay kina Adong at Piyo sa pamamasyal.
Sinabi sa akin, Anak, ni Na Tikang ang pagbubuno ninyo ni Huwinyo. Duguan daw nang umuwi si Huwinyo. Oo, Inay, nagdudugo ang nguso. At siya’y nagtawa. Utang niya kina Adong at Piyo ang bias ng lakas niyang taglay. Isa siyang gladyetor sa makabagong daigdig!
Si Huwinyo, Anak, ay pinamamagaan ng mukha. Tatlong araw na Inay, kawawa naman ano? Bakit di ninyo bigyan ng dahon ng mayana upang umimpis ang pamamaga? At siya’y dumungaw upang tingnan ang tanim niyang mayana noon pang araw. Napitasan na ninyo, Inay. Oo, ipinadala ko na kina Ka Tikang. Kawawa si Huwinyo. Kawawa ang maliit na katawan, Inay!
Siya’y bumaba upang sumama kina Adong at Piyo. Nasalubong nila si Flor. Napapaswit sina Adong at Piyo. Hindi niya nagawa iyon. Kilala niya si Flor. Kangitian niya si Flor. Ngunit si Flor ay hindi tumingin sa kanya noon, bagama’t nababatid niyang malayo pa ay nakikilala na siya nito. Sabi ni Adong, o, ayan, Ibayas, maganda iyan. Bakit di mo gawin ang ginawa mo kay Edeng? Napangiti siya. Sabi pa ni Adong. Umiiyak si Edeng sa kanyang Nana Insa, isa kang salot daw! At sila’y nagtawanan… Oo ngna, dugtong ni Piyo, kayaipinaghihiganti naman ni Huwinyong payat. Kawawa ang maliit na katawan, hindi ba? At kung bakit gusto pa ni Edeng sa payat kaysa’yo.
Nakipagtawanan nalang siya kina Adong at Piyo. Nagbanta ang kanyang kalooban, ngunit si Flor iyon. Kapag nakikita niya si Flor, tila bal along nadaragdagan ang kanayng lakas, akhit din a siya nginingitian.
Nasabi niya sa kanyang ina ang pangyayaring yaon: angpagkakasalubong niya kay Flor na hindi ngumiti sa kanay. Bakit, Inay? Dapat ba akong katakutan? Dapat akong hangaan, Inay, bakit gayon si Flor/ tumingin lamang sa kanya ang ina niya.
Kay dali naming malimutan niya ang bagay na yaon dahil sa malimit na paglalakad nila nina Adong at Piyo. Sa kanilang pagpunta s pook na kakikitaan ng dugo at laman.
Wala na sa kanya ang damdamin ng isang bagong tao: ang umibig sa iwag ng katawan at kapangyarihan ng mga bisig at paa ng mga gladyetor ng matandang Roma: mga taong nakikipamukha sa bangis ng kamatayan, nakikitalad sa tiyak na kapahamakan. Di na niya idolo ang gladyetor kundi katunggali.
Inalis niya sa dingding ang “ Spoliarium” ni Juan Luna. Nang iballik niya kay Maestro Guto anng larawang – guhit ay napansin niya ang pagmalas nito sa kanya. At siya’y napatawa. Paano nga naming di mapapatingin sa kanya si Maestro Guto ay sa nabago ang kanyang katawan. Ibyas, ikaw nga yaong Ibyas na matong sinasabi nila. Taong Ibyas na maton! At nalaman din pala ninyo, maestro. Nababatid ni Maestro guto ang lagay ng bayan sa pamamagitan ng mga mata, bibig, at pandinig ng iba. Alam din pala ninyo. Bakit di ko malalaman ay sa apo ko si Huwinyong Payat! Hindi na niya nakuahng magpasalamat o bumigkas ng kahit ano sapagkat ang pagbanggit sa pangalan ni Huwinsyo ay isang pagtataboy sa kanya.
Sa pag – uwi’y nasalubong niya sina Ipe, Emoy, at Galing. Sinutsutan niya upang tumingin sa kanya ngunit nagsataingang – kawali ang mga ito. Napaismid siya. Binilisan niya nag kanyang paglakad. Bakit niya linuhin ang bagay na iyon?
Walang kahala – halagang bagay! Inay, bakit di nila ako binati? Siya’y dumaan sa tapat ng bahay nina Flor. Anang siya’y mamataan ay umalis ito roon. Inay, bakit ganoon si Flor?
Nang salubungin siya ng kanyang ina, nakita niya nag dilim na nakalambong sa mukha nito. Isinalaysay niyang lahat ang nangyari sa kanya sa araw na iyon. Nasalubong niya sina Ipe, Emoy, at Galing ngunit di siya binate. Tumapat siya sa bahy nina Flor ngunit siya’y nilayuan. At bago pa angn lahat ang pagtungo niya kina Maestro Guto. Ang pagbanggit nit okay Huwinyo.
Binakit- bakit niya ang kanyang ina hanggang sa mapansin niyang ito ay umiiyak. Paroon ka, Anak, kina Huwinyo. Ako, Inay? Hindi! Paron na, Anak, sige na. patatawarin ka na n’yun ang sabi ni Na Tikang. Mabait naman si Huwinyo. Inay, bakit? Tuluyang humagulgol ang kanyang ina… Inay, bakit, Inay? Hindi tumigil ang pagdugo ng nguso ni Huwinyo, Anak… Tumalab hanggang ngipin at ilong ang sakmit. Hindi nakatagal si Huwinyo, Anak…
Gulilat si Ibyas. Napatingin siya sa may bintana. Dumungaw siya at tiningnan anng tanim niyang mayana na malagung – malago. Wala siyang malay gawin. Bumaba siya. Matuling – matulin ang kanyang paglakad. Naisip niya: Paroon ang buong nayon kay Huwinyo. Ipagdarasal siya. Ipagdarsal ang mabait na bata. At siya’y kamumuhian. Ni Flor, nina Ipe, Emoy, at Galling. Ni maestro Guto. Ni Edeng. Ni Na Tikang at Na Insa. Ng buong nayon.
Nangalay siya sa pagkakasandig sa posting may ilaw na nagsasabog ng liwanag. Sinutsutan siya nina Adong buhat sa makipot na daang pinanggalinagn niya. Tayo’y makipaglamay. Ibyas! Hoy, nandon si Edeng! Hoy! Gulilat pa rin ang kanyang sarili. Paron ka kina Huwinyo, Anak. OO, Inay! Oo.Oo.Oo.

4 Comments »

  1. 1
    :)EmO RoCkStAr:) Says:

    Cool! Yan ang Project namin sa Filipino! I Thought Its ‘Flo’ Yun Pala ‘Flor’. Flo kasi yung nakalagay sa book. Sa Tuklas ba yan?😀

  2. 3
    emo rock s@r Says:

    mali ,bagsak tuloy kami

  3. 4
    kRyna Says:

    HELP!!!!PLSSSSSS….
    meron bng “ang kasiyahan ng isang titser sa baryo”
    project kc nmin eh….4 book report and ala aku mahanap
    plssssssssss,…need help


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: