PANITIKAN (TALUMPATI)

PANITIKAN (TALUMPATI)

Paninindigan
Ni Manuel L. Quezon

Ito’y bahagi lamang ng talumpating binigkas ng yumaong Quezon sa Ingles noong ika – 19 ng Pebrero, 1938. Itp’y hinalaw at tinagalog ng mga patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa
Ibig kong sabihin sa inyo na kailanngan natin ang isang wikang pambansa. Isang propesor sa kasaysayan – siya’y dekano pa rin – ang sumulat ng lathala na tumawag sa bayan na magkakaroon ng isang wikang pambansa para sa mga Pilipino, at ididugtong pang kakailanganin natin ang isang daang taon upang malinang ng isangn wikang panlahat. Itulot ninyong sabihin ko, na walang wikang pambansa na naitatag sa loob ng dalawampu’t apat na oras. Bawat wika sa Europa na nasa hanay ng isang wikang pambansa ay nangangailangan ng daan – daang taon upang mapaunlad. May isang llibong taon na ngayon, ang mga mamamayan ng Inglatera, halilmbawa, o ng Pransya, Espanya, o Alemanya, ay hindi nagsasalita ng wikang panlahat, pagkat bawat purok sa bawat bansa ay nagsasalita ng ibang wikain. Dahil dito’y matwid baga ang propesor, sa pagsasabing hindi tayo dapat magtangkang magkaroon ng isang wikang panlahat sapagkat kakailanganin ang tatlong daang taon upang makamtan iyon. Ano na ang isang daang taon sa buhay ng isang bansa? Sa alinmang bayan ay wala nang napakamahalaga na katulad ng pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa, at bilang isang bayan ay hindi tayo dapat magkakaroon nng higit na pagkakilala sa bagay na ito hangga’t hindi tayo nagsasalita ng isang panlahat.
Ang palagay na upang matuto ng Tagalog ang isang Pilippino, o ang isang Ilokano, o ang isanng Bisaya, ay kakailanganin ang isang panahong kasintagal ng kakailanganin niya upang matutuhan ang Ingles ay katawa – tawa. Noong mga nakaraang araw, ang isang tagalalawigang napaparito sa Maynila upang mag – aral ay natututo ng tagalong makaraan ang isang taon. Ngunit hindi na ngayon, sapagkat ang mga kabataang ito’y nag – uusap sa Ingles sa lahat ng oras.
Gaya ng alam ninyo, nakaharap ko ang Kanyang Kadakilaan, ang Emperador ng Hapon. Ang Emperador ng Hapon ay nagsaslita ng Ingles, ngunit sa aking pakikipanayam sa kanya ay hindi siya kailanman nagsalita sa akin ng Ingles;nagsalita siya sa kanyang wika. Nagsalita ako sa Ingles at iyo’y isinallin sa kanya sa wikang Hapon, bagaman nauunawaan niya ang sinabi ko. Para sa kanya’y isang bagay na dapat ipagmalaki ang hindi makipag – usap sa akin maliban sa kanyang sariling wikang pambansa. Tiyak na sasang – ayunan ko na gawing wikang pambansa ang Kastila o Ingles, o alinmang ibang wika, kung matutuhan natin ito nang kasindalil ng pagkatuto natin ng isa sa mga wikaing katutubo. Ang mahalaga ay hindi ang pagkakaroon ng wikang ito o ng wikang iyon, kundi ang magkaroon ng isang wika. Madali para sa mga Pilippino ang magkaroon ng isang wika sa paggamit ng isa sa ating mga wika o sa pag – angkin sa alinman sa Ingles o Kastila. Sa katunayan ay magiging madali pa sa mga Pilipino na matutuhan ang Kastila kaysa Ingles at iyon ay gawing wikang panlahat, sapagka’y ang Kastila ay binabasa at binibigkas na gaya ng Tagalog, gaya ng Bisaya, o gaya ng Ilokano. Hindi gayon ang Ingles.
Sang – ayon naman ako na ipagpatuloy ang pagtuturo ng Ingles. Sa katunayan ay dapat nating ipagpatuloy ang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralan. Ang Ingles ay isang wikang kapaki – pakinabang na matutuhan. Ito ang wikang pandaigdig ngayon sa kalakal. Ngunit huwag ninyong tangkain ang hindi maari, huwag tangkaing gawin itong wikang pambansa ng Pilipinas sapagkat hindi maari kailanman. Walang kailangan sa akin gaano man katagal ang abutin bago tayo magkaroon ng isang wikang pambansa. Walng kailangan sa aking maghintay man tayo ng isang daan taon pa, gayon pa man, ang Ingles ay hindi maari kailanman na maging wikang pambansa natin.
Ang mahalaga ay magkaunawaan nang tuwiran an gating mga mamamayan sa pamamagitan ng iisang wika. Mangyari pa, kakailanganin ang mahabang panahon, bago tayo magkaroon ng wikang sarili natin, ngunit mabuti na iyon kahit na kailanganin sa pagsasagawa ng isang daang taon, at sa pagkakaroon ng wikang panlahat ay hindi tayo dapat mahiya sa pangyayaring nagdagdag tayo ng ilang salitang Ingles o Kastila. Ito ay tumpak. Ang bawat wika ay nangangailangan ng maraming taon bago magkaroon ng kaanyuan, at bawat wika ay nabuo sa panghihiram sa ibang wika. Bakit natin tututulan iyan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: